^

PSN Palaro

Gilas Boys mapapalaban na

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Aarangkada na ang misyon ng Gilas Pilipinas youth na makapasok sa 2025 FIBA U19 World Cup sa pagkikipagtuos nito kontra sa Indonesia sa opener ng 2024 FIBA U18 Asia Cup ngayon sa As Salt Arena Complex sa Amman, Jordan.

Nakatakda ang laban ng Gilas at Indonesia sa alas-9:30 ng gabi (Manila time. Sunod na makakasagupa ng Gilas youth ang Jordan bukas at New Zealand sa makalawa.

No. 25 sa buong mundo ang Gilas, No. 27 ang New Zealand, No. 51 ang Jordan habang No. 73 naman ang Indonesia kaya bahagyang paborito ang Gilas sa Group D.

Kailangan ng Gilas na manguna sa grupo nito upang makapasok agad sa quarterfinals dahil dadaan pa sa qualification ang segunda at terserang koponan. Laglag naman ang kulelat.

Ito ang misyon ng Gilas na makasikwat ng semifinal finish na siya lamang mabibiyaan ng tickets sa 2025 FIBA U19 World Cup na gaganapin sa Switzerland.

Nagawa na ito ng Gilas U16 noong nakaraang taon ng makapasok sa 2023 FIBA U17 World Cup na ginanap sa Turkey.

Ang Gilas men naman ay tatlong sunod na edisyon nang nakapasok sa FIBA World Cup, kabilang na ang hosting sa 2023 edition na ginanap sa Philippine Arena, Smart-Araneta Coliseum at MOA Arena.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with