^

PSN Palaro

Team Philippines handa na sa Paralympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa na ang lahat para sa partisipasyon ng Team Philippines sa 2024 Paris Paralympics na magsisimula sa Miyerkules sa France.

Unang sasabak si archer Agustina Bantiloc na hahataw sa women’s individual compound open ranking round sa Agosto 29 sa ala-una ng hapon (alas-7 ng gabi sa Maynila).

Sunod na aariba si Asian Para Games gold medalist Jerrold Pete Mangliwan na lalaban sa first heat ng men’s 400 meters T52 heats sa alas-11:13 ng umaga  (alas-5:13 ng hapon sa Maynila).

Masisilayan din ito sa men’s 100m T52 sa Setyembre 5 sa alas-9:43 ng gabi (alas-3:43 ng madaling-araw sa Maynila).

Lalarga naman sa Agosto 31 sina taekwondo jin Allain Ganapin at swimmer Ernie Gawilan.

Magtatangka si Ganapin sa men’s 80-kilogram K44 sa alas-10 ng umaga (alas-4 ng hapon sa Maynila) habang lalangoy si Gawilan sa first heat ng men’s individual medley SM7 sa alas-11:20 ng umaga (alas-5:20 ng hapon sa Maynila.

Aariba rin ang dating Asian Para Games champion na si Gawilan sa heats ng men’s 400m freestyle SM7 sa Setyembre 2.

“Let us rally behind our hard working para athletes as they take on the world stage at the Paris 2024 Paralympic Games!” ayon sa post ng Philippine Paralympic Committee.

TEAM PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with