^

PSN Palaro

Navarro bumida sa NorthPort

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Navarro bumida sa NorthPort
Ang two- handed dunk ni NorthPort import Venky Jois matapos makawala sa depensa ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ang four-point shot ni Fran Yu sa pagtunog ng buzzer sa pagtiklop ng third period ang nagpainit sa opensa ng NorthPort pa­ra gibain ang Terrafirma, 112-93, sa PBA Season 49 Governors’ Cup kaha­pon sa Smart Araneta Colise­um.

Ito ang unang panalo ng Batang Pier sa dalawang laro, habang laglag ang Dyip sa 0-2.

Kumamada si Will Na­varro ng 31 points, 5 re­bounds, 2 assists at 2 steals para banderahan ang NorthPort at may 16, 14 at 10 markers sina import Venky Jois, Joshua Munzon at Arvin Tolentino, ayon sa pagkakasunod.

 Pinamunuan ni Juami Tiongson ang Terrafirma sa kanyang 19 points kasunod ang 17 markers ni Stanley Pringle.

Mula sa 51-43 halftime lead ay iniwanan ng Batang Pier ang Dyip sa 68-52 sa 5:42 minuto ng third period.

Isinara ni Yu ang na­sa­bing yugto sa isang 4-pointer patungo sa 98-73 pagbaon ng NorthPort sa Terrafirma sa 8:30 minuto ng fourth quarter.

Samantala, puntirya ng Rain or Shine ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Barangay Ginebra ngayong alas-6 ng gabi sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.

Nagmula ang Elasto Painters sa 110-97 pag­gu­po sa Blackwater Bos­sing kung saan humakot si import Aaron Fuller ng 24 points.

FRAN YU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with