^

PSN Palaro

Eala pasok sa Finals ng US Open qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumapit si Alex Eala sa inaasam na tiket sa main draw ng prestihiyosong 2024 US Open matapos makapasok sa final round ng qualifying tournament kahapon sa New York.

Kinailangan ng Pinay netter na magbanat ng buto upang gulantangin si world No. 99 Nuria Parrizas Diaz ng Spain sa pamamagitan ng pukpukang 7-5, 7-5 panalo sa second round ng qualifiers.

Hindi hinayaan ni Eala na makahulagpos sa kanya ang panalo matapos magpasabog ng matatalim na atake upang pigilan ang matikas na ratsada ng Spa­nish player.

Makakaharap ni Eala si dating world No. 32 at kasalukuyang world No. 61 Elena-Gabriela Ruse ng Romania.

Umabante sa finals si Ruse matapos ilampaso si Ma Yexin ng China sa bisa ng 6-3, 6-3 demolisyon sa second round.

Isang panalo na lamang ang kailangan ni Eala para makasiguro ng kauna-unahang appearance sa main draw ng isang Grand Slam event.

Matatandaang pumasok din sa finals si Eala sa qualifying event ng French Open at Wimbledon Championships subalit bigo ito sa kanyang dalawang pagsalang.

Kaya naman inaasahang ilalabas na ni Eala ang lahat ng itinatago nitong lakas para masiguro ang panalo kontra kay Ruse at matamis na maisakatuparan ang pag-entra sa main draw ng US Open.

Pamilyar na si Eala sa US Open dahil nagkampeon na ito sa juniors division noong 2022.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with