^

PSN Palaro

PNVF-VolleyStation partnership sinelyuhan

Pilipino Star Ngayon
PNVF-VolleyStation partnership sinelyuhan
Si Philippine National Volleyball Federation president Ramon ‘Tats’ Suzara kasama si VolleyStation Chief Executive officer Lukasz Wrobel.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sinelyuhan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pakikipagtambal sa VolleyStation para maitaas ang kanilang data collection at competition management sa mga darating na volleyball seasons.

Isinara ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara ang kanilang partnership kay VolleyStation Chief Executive Officer Lukasz Wrobel sa kasagsagan ng Paris 2024 Olympics kung saan tumayo si Suzara bilang isang technical delegate para sa FIVB, habang ginamit ang referee systems ng VolleyStation sa mga laro.

“As part of the partnership, VolleyStation will provide powerful software for national teams, competition management systems and players’ database systems,” ani Suzara. “Thanks to an extensive live data presentation system, fans can easily follow accurate information from each match organized by PNVF.”

Hindi lamang ang PNVF ang makikinabang sa nasabing partnership kundi pati ang iba pang domestic leagues.

Ang VolleyStation, isang kumpanyang nakabase sa Poland at itinatag noong 2019, ay ang official provider ng Data Collection Systems para sa FIVB at Volleyball World na may higit sa 500 customers sa 35 bansa.

Ang Pilipinas ang tatayong solo host ng 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na nakatakda sa Setyembre 12 hanggang 28.

Ang VolleyStation ang bahala sa software at technology para sa lahat ng mga PNVF events kasama ang Champions League, National Under-18 and Under-23, Challenge Cup at William G. Morgan Cup.

PHILIPPINE NATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with