Ruivivar may courtesy call sa Malacañang

MANILA, Philippines — Pagkakataon naman ni Filipino-American gymnast Levi Ruivivar na makasa­lamuha si President Bongbong Marcos sa Malacañang Palace.

Mismong si Ruivivar ang nagpahayag na para­ting na ito sa Maynila para sa isang courtesy call sa Malacañang.

“Heading to Manila to meet the President,” ani Ruivivar sa post nito sa kanyang social media.

Nagpasalamat si Ruivivar dahil mismong ang opisina ng Pangulo ang nag-ayos ng courtesy call.

“What an honor. Thank you to the President and his office for making this dream come true. Can’t wait to see everyone,” ani Ruivivar.

Inaasahang darating ngayong araw si Ruivivar sa Manila.

Hindi nakasama si Ruivivar sa courtesy call at heroes parade matapos umanong hindi ito maabisuhan ng pamunuan ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP).

Show comments