Gilas Women sasabak sa WC pre-qualifiers

Ang Gilas Pilipinas Women ay babanderahan nina 2023 FIBA Women’s Asia Cup leading scorer Afril Bernardino, Jack Animam at Janine Pontejos.
fiba.basketball / FIBA Women's Asia Cup

MANILA, Philippines —  Nakatakdang sumalang ang Gilas Pilipinas Women sa bigating Pre-Qualifying Tournament na didribol ngayon sa Kigali, Rwanda.

Ang Gilas Pilipinas Women ay babanderahan nina 2023 FIBA Women’s Asia Cup leading scorer Afril Bernardino, Jack Animam at Janine Pontejos.

Ang iba pang bumubuo sa tropa ni coach Patrick Aquino ay sina Khate Castillo, Stefanie Berberabe, A­fril Bernardino, Lounia Ozar, Camille Nolasco, Kacey dela Rosa, Ella Fajardo, Kristian Yumul at Naomi Panganiban.

Bago ang pagsalang sa pre-qualifiers ay kumampanya ang Gilas Women sa nakaraang 43rd William Jones Cup kung saan sila tumapos sa fourth place.

Lumahok din ang mga Pinay cagers sa Pinoyliga Cup na kanilang pinagreynahan bago magtungo sa Baguio City para sa training camp.

Kasama ng Pilipinas, ang World No. 40 team, sa Group C ng Pre-Qualifying Tournament ang World No. 8 Brazil, World No. 16 Hungary at World No. 25 Senegal.

Unang lalabanan ng Gilas Pilipinas Women ang Brazil kasunod ang Hungary at Senegal.

Ang magrereyna sa nasabing Rwanda tournament ang makakakuha ng tiket para sa Women’s World Cup 2026 Qualifying Tournament.

Show comments