PLDT puntirya ang ika-6 panalo vs Petro Gazz

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng PLDT ang ikaanim na panalo, ha­bang magtutuos sa maha­la­gang laro ang mag-utol na Creamline at Choco Mu­cho sa Pool C sa second round ng 2025 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Haharapin ng High Speed Hitters ang nagde­depensang Petro Gazz An­gels ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang salpukan ng Cool Smashers at Flying Titans sa alas-5.

Sa unang laro sa ala-1 ng hapon ay magtutuos ang Chery Tiggo Crossovers at sibak nang ZUS Cofee Thunderbelles.

Nangunguna ang PLDT sa kanilang grupo ta­ngan ang 5-1 baraha sa ita­as ng Creamline (4-2), Chery Tiggo (4-2), Petro Gazz (4-3), Cho­co Mucho (2-4) at ZUS Coffee (0-6).

Ang High Speed Hitters pa lamang ang naka­kapasok sa knockout quarterfinals.

Nagmula ang PLDT sa 25-18, 25-14, 25-12 pag­walis sa ZUS Coffee.

Show comments