^

PSN Palaro

Caloy tututok sa 2028 LA Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Caloy tututok sa 2028 LA Olympics
Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo waves to his supporters as he rides a gondola at the Venice Grand Canal Mall in Taguig City on August 14, 2024
STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Desidido si Carlos Yulo na madepensahan ang kanyang korona sa 2028 Olympic Games na idaraos sa Los Angeles, California.

Matagumpay na kung tutuusin si Yulo dahil ito ang nag-iisang Pinoy athlete na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa Olympic Games.

Subalit walang balak tumigil si Yulo sa pag-abot ng kanyang mga pa­ngarap dahil nais pa nitong makapagbigay ng karangalan sa bansa sa 2028 LA Olympics.

Handa si Yulo na mu­ling ibuhos ang kanyang dugo’t pawis para masigurong preparado ito para sa susunod na edisyon ng Olympic Games.

“Naka-gold na po tayo pero magco-compete pa rin po ako sa 2028 Olympics. Paghahandaan ko ang 2028 LA Olympics,” ani Yulo.

Sa ngayon, nais ni Yulo na namnamin ang ta­gumpay nito.

Bumubuhos din ang biyaya matapos matanggap ang ilan sa mga naipangakong insentibo sa kanya.

Una na ang tumatagin­ting na P20 milyon mula sa gobyerno na personal nitong natanggap mula kay Pangulong Bongbong Marcos nang mag-courtesy call ang Team Philippines noong Martes ng gabi sa Malacañang.

Nakuha na rin ni Yulo ang susi sa bagong-ba­gong three-bedroom fully-furnished condo unit nito sa McKinley Hills sa Taguig City na nagkakahalaga ng P32 milyon kasama ang parking slot.

Maliban sa condo, nagbigay pa ang Megaworld ng karagdagang P3 milyong cash incentive.

Matapos ang mahabang biyahe mula sa Paris pabalik sa Pilipinas, agad na sumalang sa iba’t ibang events si Yulo kasama ang iba pang miyembro ng Team Philippines.

Nagkaroon pa ng parada kahapon ang Team Phi­lippines na umikot sa ilang bahagi ng Maynila para mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nitong masilayan ang bagong bayani ng bansa.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with