Fajardo, Holt surebol na sa PBA awards

MANILA, Philippines — Tila wala nang makakapigil pa kay San Miguel star center June Mar Fajardo sa pagkopo sa kanyang PBA record na pang-walong Most Valuable Player award.

Pormal na tatanggapin ng 6-foot-10 Cebuano giant ang tropeo sa idaraos na 48th Season Leo Awards sa pagbubukas ng 49th Season Governors’ Cup sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nagposte si Fajardo ng 42.1 statistical points sa hanay ng top 25 players sa nakaraang season mula sa kanyang mga averages na 40.9 at 42.9 statistical points sa Commissioner’s Cup at Philippine Cup, ayon sa pagkakasunod.

Ang 10-time PBA champion ay bumira ng 17.8 points, league best 13.4 rebounds, 2.8 assists, 0.7 steals at 1.7 blocks per game averages para sa Beermen.

Samantala, halos tiyak na ring makukuha ni da­ting Terrafirma freshman Stephen Holt ang Season 48 Roo­kie of the Year award sa kanyang bitbit na 34.1 statistical points kasunod sina Cade Flores (23.3) ng NorthPort, Adrian Nocum (21.8) ng Rain or Shine, Ken Tuffin (21.5) ng Phoenix at Christian David (17.8) ng NorthPort.

Kumamada ang Fil-American cager ng mga ave­rages na 17.0 points, 6.9 rebounds, 5.5 assists at 1.9 steals para sa Dyip.

Show comments