MANILA, Philippines — Sa pagkawala ni veteran center Christian Standhardinger ay ang mga 6-foot-7 na sina Isaac Go at Ben Adamos ang sasandalan ng Barangay Ginebra sa shaded lane sa pagdribol ng PBA Season 49 Governors’ Cup sa Linggo.
Ngunit kumpara sa 6’8 na si Standhardinger ay gagamitin ni coach Tim Cone sina Go at Adamos bilang mga role players.
“They’re gonna have to be more of a role playing-type guys and we’re going to try to play them through their strengths,” sabi ng two-time PBA Grand Slam coach sa dalawang bago niyang hugot. “But obviously, they’re not going to replace Christian. That’s not our plan.”
Ibinigay ng Gin Kings si Standhardinger kasama si veteran guard Stanley Pringle sa Terrafirma Dyip kapalit nina Go at Stephen Holt at ang No.3 pick sa 49th season draft.
Ang nasabing draft pick ay si point guard RJ Abarrientos na pamangkin ni Johnny Abarrientos na dating tirador ni Cone sa Alaska.
“Sobrang excited nga ako na makasama sila and hopefully, mas better pa ang maging bonding namin as a team,” sabi ng 24-anyos na si Abarrientos.
Muling gagabayan ni resident import Justin Brownlee ang Ginebra sa nasabing season-opening conference.