^

PSN Palaro

Forgive and forget

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang nasa isip ni Carlos Yulo ngayon?

Dahil sa kanyang pagkapanalo ng dalawang gold medals sa Paris Olympics, made na ang 24 anyos na gymnast.

Easily baka P60 million ang cash na matatanggap niya. At may three-bedroom na condo sa Taguig na worth P32 million. Regalo ng Megaworld.

Kung sila lang ng girlfriend niya ang titira or kung sakaling magkaroon sila ng anak, kahit dalawa pa, swak sila.

Pag weekends, pwede sila umakyat ng Tagaytay para magpalamig. May house and lot din siya dun galing kay Mayor Bambol Tolentino.

Sa pasyal naman, tingin ko, kahit saan siya kumain, hindi siya pagbabayarin. Kung sasakay ng eroplano, wantusawa ang offers ng mga local airlines.

Sa kotse naman, wala pang announcement pero sa malamang, may para­ting na sasakyan.

Then papasok ang endorsement deals. At sa status ni Yulo, tiyak na milyones ang halaga ng mga kontrata sa commercials.

Dumating kagabi si Yulo mula sa Olympics at agad na nagmano kay President Marcos. Natural, tumanggap ng parangal at biyaya.

Mahabang byahe pauwi mula Paris. Enough time mag-isip kung ano ang plano niya sa buhay at sa career.

Isa lang ang wish ko, sana magka-ayos sila ng pamilya niya. Time to forgive and forget.

Para mas masarap ang tulog.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with