MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si Bianca Pagdanganan matapos maitarak ang fourth-place finish sa Paris Olympics.
Ito ang pinakamataas na puwestong nakuha ng isang Pinoy golfer sa Olympics kaya’t masaya ito sa kaniyang naabot.
“It means a lot, I’m able to represent the Philippines on such a big stage, competing with the best players in the world, I don’t know how else to put it,” ani Pagdanganan.
Nakipagsabayan ito sa mga world-class golfers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinubukan ni Pagdanganan na makapasok sa podium subalit hindi pumabor sa kanya ang kapalaran.
“I really wanted it, I want our names up there. I want them to know that we’re great athletes,” wika pa ni Pagdanganan.
Napasakamay ni Lydia Ko ng New Zealand ang gintong medalya habang nakuha ni Esther Henseleit ng Germany ang pilak at kay Lin Xiyu ng China naman ang tanso.
“I really felt proud of how I performed in such extreme pressure, knowing that I could handle myself in those situations should be a great motivation. I’ve sacrificed so much for this career, and there’s no other way to put it. I wanted it so bad and I really did my best,” ani Pagdanganan.
Magandang improvement ito para kay Pagdanganan na nagkasya lamang sa ika-43 puwesto noong 2021 Tokyo Olympics.