^

PSN Palaro

Paris Olympics closing maningning!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Magiging maningning ang closing ceremony ng Paris Olympics.

Inaasahan ang magarbong palaban partikular na ang pagpapasa ng hosting rights ng France sa USA na magsisilbing host ng 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.

Kasama sa programa si Tom Cruise kung saan isang Hollywood-inspired program ang masisilayan ng buong mundo.

Masayang dadalo ang Team Philippines sa closing ceremony ng 2024 Paris Olympics.

Pa­ngungunahan ni double gold medalist Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at bronze winner Aira Villegas ng boxing ang pambansang delegasyon sa parade of nations.

Napili sina Yulo at Villegas ng Philippine Olympic Committee bilang flag bearers sa closing rites.

Maliban kina Yulo at Villegas, dadalo rin sa closing ceremony si Paris Olympics bronze medalist Nesthy Petecio at Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam — ang flag bearers ng bansa sa opening ceremony.

Matagumpay ang ratsada ng Team Philippines matapos masungkit ni Yulo ang dalawang gintong medalya mula sa men’s floor exercise at men’s vault.

Dinagdagan ito ng da­la­wang tanso galing kina Petecio sa women’s featherweight at Villegas sa women’s flyweight.

Ito ang pinakamataas na pagtatapos ng Pilipinas sa Olympic Games sapul noong sumabak ito noong 1924.

Nalampasan din ng Team PHL ang isang ginto, dalawang pilak at isang tansong produksiyon nito noong 2021 Tokyo Olympics.

PARIS OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with