Patapos na ang Paris Olympics. Closing ceremony mamaya.
Ang tsika, may guest appearance si Tom Cruise. Baka may stunt.
Pero true or false, dehins ako masyado interesado. Ang importante, two golds at two bronze medals ang iuuwi ng mga atleta natin.
Happy na tayo dun. Best finish natin sa Olympics. Mantakin mo, dalawang ginto mula kay Carlos Yulo.
Kaso, on a sad note, wala pa rin tayong gold sa boxing.
Ewan ko ba. Sa dinami-dami ng world champions natin sa boxing, bakit hindi tayo makatikim ng gold sa Olympics.
Sa Tokyo three years ago, silver si Carlo Paalam at Nesthy Petecio and bronze si Eumir Marcial.
Then lima ang nag-qualify sa Paris. Kaya akala ko, panahon na.
Pero maaga natsugi si Marcial at Hergie Bacyadan at nasundan ni Paalam. Mabuti na lang, umabot sa semis si Petecio at ang Olympics first-timer na si Aira Villegas.
Dehins sila umabot sa finals. Kaya nag-bronze.
Four years tayo maghihintay bago ang next Olympics sa Los Angeles. Mahaba na naman ang bubunuin ng boxing team natin.
Sayang si Manny Pacquiao at na-deny ang request sumali sa Paris Olympics.
Huling hirit na ‘yun dahil turning 50 na si Pacman sa 2028.
That’s it, pansit.