PARIS - Swak si Bianca Pagdanganan sa medal contention papasok sa huling dalawang rounds ng women’s golf sa 2024 Olympics.
Tumapos sa labas ng top 40 sa Tokyo Games noong 2021, nasa magandang katayuan si Pagdanganan ngayon matapos humataw ng isang three-under 69 tampok ang ratsada sa dulo ng second round dito sa Le Golf National.
Sa pamamagitan ng kanyang mga long drives at steady putts ay nakasama pa siya sa front nine at pumalo ng tatlong birdies sa isang bogey-free back para sa 141 total at tumabla sa sixth spot sa torneong pinamumunuan ni Swiss Morgane Metraux.
Gumawa rin ng hakbang si Dottie Ardina para sa sumosyo sa ika-36 place matapos maglista ng even 72 going para ikabit sa kanyang 76, habang may 74 at 77 si dating Philippine bet Yuka Saso na ngayon ay dala ang bandera ng Japan.
Sina Pagdanganan at Ardina ang huling dalawang natitirang lumalaban mula sa 22-strong Team Philippines na nakatapos na ng kanilang mga Paris campaigns.
Kamakalawa ay nagtala si John Ceniza ng DNF (Did Not Finish) card sa pagsisimula ng laban ng weightlifting team kasunod ang sixth-place finish ni Elreen Ann Ando sa women’s 59kg category sa South Paris Arena.
Kasalukuyan namang sumasabak si Vanessa Sarno sa women’s 71kg class kagabi habang isinusulat ito.
Nagposte si Ando ng isang fourth-best total lift na 230 kilograms kasama sina Venezuelan Anyelin Venegas Valera at Nigerian Folashade Lawal.
Ngunit nahulog ang tubong Cebu sa sixth place matapos ang countback tiebreak na nagpaganda sa kanyang seventh-place finish sa Tokyo noong 2021.
Bumuhat siya ng 100kgs sa snatch at bigong mailista ang 102kgs bago makuha ang 130kgs sa clear and jerk sa kanyang third at final try para sa total lift na 230kgs.
Ito ay 11 kilong mas mababa sa record-breaking na 241kgs ni gold-medal winner Luo Shifang ng China.