Mega lotto

Parang Mega Lotto winner si Carlos Yulo.

Not once but twice.

Dalawang gold medal ba naman sa gymnastics sa Paris Olympics. Mahirap pantayan at mas mahirap higitan.

Kaya bago pa makauwi ng Pinas, parang “Carina” na bumaha ng papuri at incentives para kay Yulo.

Sa early count, papalo na agad ng P63 million ang cash na matatanggap ng 24-year-old na batang Maynila.

Hindi pa kasama dito ang condominium sa Taguig na worth P32 million, house and lot sa Tagaytay, brand new na kotse at unli kung saan saan.

May unli plane tickets, unli gasoline, unli buffet at bogchi sa iba-ibang restaurants, free furniture, free cell phone, etc.

Mag-ingat lang si Yulo dahil baka may kapalit ang iba gaya ng free endorsement ng mga produkto ng sponsors.

Nakaumang pa ang ibang incentives ng malala­king kumpanya.

And of course, papa­sok ang mga pulitiko. Na­tural, sasakay sa band­wagon. Kumbaga, kasama sa parada.

Nagkalat na ang posts ng ibang pulitiko eh mas malaki pa ang mga mukha nila sa mukha ni Yulo.

Well, nothing new. Basta, double-gold winner si Yulo.

King Carlos ang bansag namin.

Show comments