Brazlian stars nagpasalamat sa PInoy fans

Attendees wearing rain covers pose with a flag of the Philippines in the stands at the Trocadero during the opening ceremony of the Paris 2024 Olympic Games in Paris on July 26, 2024, with the Eiffel Tower in the background.
AFP / Oli Scarff

MANILA, Philippines — Nagpasalamat ang ilang miyembro ng Brazil women’s volleyball team sa Pinoy fans na patuloy na sumusuporta sa kanilang kampanya sa 2024 Paris Olympics.

Maganda ang inilalaro ng Brazil sa Paris Games na kasalukuyang may 2-0 rekord sa Pool B kasama ang Poland (2-0), Japan (0-2) at Kenya (0-2).

Sapat na ang dalawang panalo ng Brazil para makapasok sa quarterfinals.

Sa bawat laro ng Brazil, nakakatanggap ito ng solidong suporta mula sa Pinoy fans — sa venue man o sa social media.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng mga players nito sa Pinoy fans dahil malaki ang natitutulong nito upang mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa bawat laro.

“Thank you for cheering for us and team Brazil. I hope I can go there soon (in the Philippines),” ani Rosemarie Montibeller sa video ng One Sports.

Alam na ni outside hitter Gabi Guimaraes ang mainit na pagmamahal ng Pinoy fans dahil naglaro na ito sa Pilipinas sa isang torneo.

Natutunan na nitong mahalin ang Pilipinas dahil sa suportang natatanggap nito sa kanilang social media.

“I love the Philippines. I had the opportunity to go one time to play. I really hope that I can come again to play in front of them,” ani Guimaraes.

May mensahe rin si middle blocker Thaisa Menezes na isa sa pinakabeteranong miyembro ng Brazil national team.

“Philippines thank you so much for your love. Kisses for everybody,” ani Menezes.

Show comments