^

PSN Palaro

Marcial, Sanchez minalas sa Paris

Nelson Beltran - Pilipino Star Ngayon
Marcial, Sanchez minalas sa Paris
Philippines' Kayla Sanchez competes in the heats of women's 100m freestyle event during the 2022 Asian Games in Hangzhou in China's eastern Zhejiang province on September 26, 2023.
AFP / Manan Vatsyayana

PARIS ­-- Sa pagbabalik ng mga miyembro ng Team Philippines sa kanilang kampo ay isa sa dalawang boxers ang minalas.

Dagdag pa dito ang kabiguan ni swimmer Kayla Sanchez, nagtayo ng bagong Philippine record sa women’s 100m freestyle, na makapasok sa finals.

Kapwa nagtapos ang mga kampanya nina E­umir Marcial at Sanchez, parehong podium finishers sa Tokyo Olympics noong 2021, pati na ang kanilang mga pangarap

Sila ang mga pinakahu­ling nasibak sa 22-strong Philippine contingent matapos sina fencer Sam Catantan, judoka Kiyomi Watanabe at gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.

Ang kabiguan at pighati ang tumabon sa naunang panalo ni Nesthy Petecio kay Indian Jaismine Lamboria sa women’s 57kg Round of 32 clash sa Paris North Arena.

Ngayon ay aasa ang Team Philippines kina bo­xers Carlo Paalam at Hergie Bacyadan at Aira Villegas.

Natalo si Marcial sa mas bata at mas matangkad na si Uzbek Turabek Khabibullaev sa kanilang men’s 80kg Round of 16 bout.

Sa pagtunog ng final bell ay hinirang na pa­nalo ang 22-anyos na si Khabibullaev sa kabila ng maraming suntok na ibinato ng 29-anyos na si Marcial.

Kagaya ni Marcial, mas matangkad din kay Petecio ang nakaharap na si Lamboria.

Ngunit dinomina ni Petecio si Lamboria para sa kanyang unanimous decision win.

Sa swimming pool sa Paris La Defense Arena, nagtala si Sanchez ng 54.21 segundo para tumapos sa ika-15 puwesto sa kabuuang 16 semifinalists sa 100m freestyle event.

TEAM PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with