Tolentino kumpiyansa pa rin

Team Philippines nalagasan na naman

MANILA, Philippines — Nalagasan na naman ang Team Philippines subalit nananatiling mataas ang moral ng Pinoy athletes sa 2024 Paris Olympics.

Kabilang sa natanggal si Eumir Marcial na isa pa naman sa inaasahang magbibigay ng medalya sa bansa.

Sa kabila nito, optimistiko pa rin si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

“Full speed ahead. The campaign for medals, especially gold, is hot on track,: ani Tolentino.

Aminado si Tolentino na masakit ang pagkatalo ni Marcial.

Ngunit malaki ang tiwala nito kay Marcial.

Hindi pa ito ang katapusan ng lahat.

“I know how painful it is for Eumir to bear the loss. We feel his disappointment and frustration, but it’s not the end all for him,” ani Tolentino.

Sinabi ni Tolentino na hindi para kay Marcial ang light heavyweight division — malayo sa kanyang orihinal na timbang na middleweight kung saan ito nakakuha ng tanso noon sa Tokyo Olympics.

Show comments