Oversized

Halatang obvious ang height and size advantage ng nakalaban ni Manny Pacquiao sa Tokyo last Sunday

Parang David and Goliath.

Kaya halatang nahirapan ang bata natin sa three-round exhibition fight. Parang heavyweight ang kalaban.

Last-minute replacement ang kickboxer na si Rukiya Anpo para sa na-injure na si Chihiro Susuzki, isang MMA fighter.

 Mas bata pa. Sa edad na 26, halos 20 years younger kay Pacman.

Malikot ang isip ko. Dehins kaya designed na mapapalitan ang kalaban ni Pacquiao sa last minute? Parang ‘yung nangyari in 2021 na na-injure si Errol Spence at pinalitan ni Yordenis Ugas na ubod ng laki.

Pati si Pacquiao nagulat sa six-footer na replacement. Nahirapan siya mag-adjust. In fact, siya ang unang tinatamaan. Siguradong mabigat ang suntok ng Hapon.

Unang-una, halos dalawang taon walang laban si Pacman kahit na exhibition. Tapos biglang natapat sa malaking kickboxer na kundisyon.

At dehins banban si Anpo. Marunong. Maganda magpatama. Magaling sa counter.

In fairness, malalakas din ang pinatama ni Pacquiao.

Buti na lang kamo exhibition fight meaning walang winner, walang loser.

Dati na napalaban si Pacquiao sa mga malalaki gaya ni Antonio Margarito or maging sila Oscar dela Hoya.

Pero once upon a time ‘yun.

Malamang, nag-Alaxan si Pacman.

Show comments