Lastimosa pumirma sa Magnolia

Jerom Lastimosa.
UAAP

MANILA, Philippines —Bagama’t kasalukuyan pang nagrerekober sa isang left ACL injury ay pinapirma pa rin ng Magnolia si PBA Season 49 Rookie Draft No. 9 overall pick Jerom Lastimosa sa isang three-year rookie contract.

Hindi pa sumasali sa ensayo ng Hotshots ang tubong Dumaguete, Negros Oriental dahil sa kanyang injury na nalasap niya noong Oktubre ng 2023 sa UAAP Season 86.

“Sa ngayon aggressive rehab ako and sabi ng PT ko, nasa 70-80 percent na ako. So hopefully, as soon as possible makabalik na ako sa paglalaro,” sabi ng 26-anyos na si Lastimosa matapos ma-draft ng Magnolia noong Hulyo 14.

Kagaya ng dating Adamson Soaring Falcons star guard, kinuha rin sina Jeremiah Gray at Luis Villegas ng Terrafirma at Rain or Shine, ayon sa

pagkakasunod, sa PBA Season 48 Draft bagama’t kasalukuyan silang nagrerekober sa ACL injuries.

Sa kanyang paggaling sa ACL injury ay inaasahang makakatuwang si Lastimosa ni veteran playmaker Mark Barroca sa backcourt ng Magnolia.

Pinakawalan na kasi ng Hotshots sina guard Jio Jalalon kasama si forward Abu Tratter sa NorthPort kapalit ni sophomore big man Zavier Lucero.

Samantala, tinalo ng Rain or Shine ang UAAP defending champions La Salle Green Archers, 106-105, sa 39th Kadayawan Invitational

Basketball Tournament sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City noong Huwebes.

Wagi naman ang Converge sa Phoenix via overtime, 132-127, sa kabila ng hindi paglalaro ni import Scotty Hopson.

Show comments