^

PSN Palaro

North America, Thailand kampeon sa PSL Global

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inangkin ng North America at Thailand ang mga korona ng PSL Global Championship Challenge sa magkahiwalay nilang panalo kahapon sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.

Tinakasan ng North America team ang Pampanga-Luid, 67-66, sa Born 2008 division.

Naghabol mula sa 10-point deficit ang North America mula sa matibay na depensa sa fourth quarter para limitahan ang Pilipinas Born 2008 squad sa anim na puntos.

Kumamada si Enrico Bungar ng double-double performance na 18 points at 13 rebounds at siyang nagbigay ng kalamangan para sa North America matapos umiskor sa huling 54 segundo ng laro.

Bigo sina Chester Tulabut at Leodyl Hilot na maitakas ang panalo at maiuwi ang kampeonato para sa Pilipinas Born 2008 team.

Sa Born 2006 division, dinomina ng Thailand-Traill International School na ginabayan ng Filipino coach Troy Umali, ang Canada, 120-83, para sa korona.

Kumolekta si Jespher Kurihara ng triple-double na 38 puntos, 11 rebounds at 10 assists bukod sa isinalpak na 10 three-point shots para sa Thailand team.

Kumamada si Don Wayde Basadre ng 35 puntos at 14 assists.

PSL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with