^

PSN Palaro

Cone kumpiyansa sa magiging kampanya ng Gilas sa mga torneo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cone kumpiyansa sa magiging kampanya ng Gilas sa mga torneo
Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Asahan ang mas mabagsik ng Gilas Pilipinas sa susunod na mga laban nito.

Ito ang nakikita ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone matapos ang kampanya ng kanyang tro­pa sa nakaraang 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Riga, Latvia.

Partikular na tinukoy nito ang solidong kumbinasyon nina seven-time PBA MVP June Mar Fajardo at Kai Sotto.

“You can see they built their game plan there by doubling Fajardo, as if he’s playting in the PBA, even if we were playing seven-footers,” ani Cone.

Dahil sa solidong laro ni Fajardo kasama pa si na­turalized player Justin Brownlee ay nahirapan nang husto ang mga kari­bal ng Gilas Pilipinas.

Sa katunayan ay ginulantang ng Gilas Pilipinas ang World No. 6 Latvia sa group stage ng torneo.

“He was more than hol­ding his own and I think coa­ches, when they play against him, outside Justin of course, what can they do with June Mar? They know they can’t handle June Mar one-on-one, because he’s a dominant force,” ani Cone.

Solido rin ang laro ni Sotto na nagiging mabag­sik na sa bawat laro ng G­ilas Pilipinas.

“The fact he (Fajardo) can play with Kai, that kind of put them in quandary with other teams, because who do you put on?” wika ni Cone.

Nagtala si Fajardo ng 11 points, 5 rebounds at 3 steals sa 89-80 panalo ng Gilas kontra sa Latvia.

Humataw naman si Sotto ng 18 points at 8 boards.

“If you can just envision these two players pla­ying comfortably with each other and then add AJ Edu and keep these two fresh, if you can envision that these guys getting better in system and play better with each other, how good can they become?” dagdag sabi ni Cone.

TIM CONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with