Westbrook makakasama ni Jokic sa Denver

Russell Westbrook.
STAR/ File

LOS ANGELES — Isang dating NBA Most Va­luable Player ang makaka­sama nina Nikola Jokic at Ja­mal Murray sa kampan­ya ng Denver Nuggets sa da­rating na season.

Pumayag ang Clippers at Jazz sa isang sign-and-trade deal na magdadala kay Los Angeles point guard Russell Westbrook sa Denver.

Malaki ang magiging kon­tribusyon ng 35-anyos na veteran playmaker kina Jokic at Murray.

“I think we need some help in the backcourt,” sabi ni Nuggets general mana­ger Calvin Booth sa pagdating ni Westbrook.

Nakuha ng Clippers si guard Kris Dunn na bahagi ng sign-and-trade deal.

Nagkasundo ang Clippers at si Dunn sa isang three-year, $17 million contract na may isang non-gua­ranteed season sa third year.

Tinanggap naman ng Utah ang isang 2030 se­cond-round pick swap, ang draft rights kay center Balsa Koprivica, ang 57th pick sa 2021 NBA draft, at $4.3 million cash.

Wala na rin sa Clippers si Paul George na lumipat sa Philadelphia 76ers.

Show comments