Pilipinas Born 2004, Born 2006 teams biyaheng semis

MANILA, Philippines — Kapwa ipinoste ng Pilipinas Born 2004 at Pilipinas Born 2006 ang ikaapat na sunod na panalo kagaya ng inilista ng North America sa PSL Global Championship Challenge.

Minasaker ng Pilipinas Born 2004, kinakatawan ng Davao NTB Wolves, ang New Zealand-Fil Nation Select, 81-44, para sa kanilang 4-0 record kahapon sa Victoria Sports Club sa Quezon City.

Bumanat si Seth Abiendo ng 16 points tampok ang perpektong 7-of-7 field goal shooting para sa Pilipinas Born 2004 na nagkampeon sa nakaraang PSL National Finals.

Itinala rin ng Pilipinas Born 2006, kinakatawan ng Cebu-USJR, ang pang-apat na sunod na panalo matapos gapiin ang UK-KAMPI Basketball, 104-67.

Muling bumida sa opensa si PSL National Finals Most Valuable Player Jan Vince Oringo ng 26 points, 6 rebounds at 4 assists.

Samantala, nagawang idispatsa ng North America ang Pilipinas Born 2008, kinakatawan ng Pampanga-Luid, 85-68, para sa kanilang 4-0 baraha.

Mas magaang ang pa­nalong ito ng North Ame­rica kung saan mas pinaigting nila ang kanilang solidong laro at pigilan ang tangkang pagresbak ng Pilipinas Born 2008.

Ito rin ang ikaapat na sunod na panalo ng North America papasok sa semis.

Show comments