Pilipinas ‘04 nagsolo sa PSL Global Championship Challenge

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Born 2004 ng Pilipinas, kinakatawan ng Davao-NTB Wolves, ang ikalawang sunod na panalo matapos ang 74-50 pagbugbog sa Canada-GIGG sa PSL Global Championship Challenge kahapon sa Victoria Sports sa Quezon City.

Kumamada si Karl Be­nedict Wood ng 15 habang nag-ambag si Keith Marquez ng 12 points para akbayan ang Pilipinas sa panalo sa naturang torneo.

Samantala, pinatumba ng Born 2006 team ng Pilipinas ang North America, 67-53, sa likod ng 16 points at 18 rebounds ni Jan Vince Oringo sa kanyang unang salang sa flagship event ng Pilipinas Super League.

Nag-ambag si Fritz Gonzales ng 10 markers at naglista si Neil Naneez ng 9 points at 9 boards para sa Born 2006 team.

“Plan ko talaga to keep the team intact para wala nang problema sa che­mistry, at the same time preparation na rin sa future tournaments ng PSL,” ani head coach Melo Banua.

Bigo naman ang Born 2008 ng Pilipinas sa North America, 61-75.

Show comments