Gilas tututok sa FIBA Asia Cup qualifiers

Gilas Pilipinas
FIBA

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ng Gilas Pilipinas sa second window ng 2025 FIBA Asia Cup qualifiers na idaraos sa Nobyembre sa bansa.

Dadalhin ng Gilas Pilipinas ang magandang momento mula sa naging karanasan nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Matatandaang ginulantang ng Pinoy cagers ang world No. 6 Latvia sa bendisyon ng 89-80 panalo sa group stage.

“We went to the Latvia game, we just needed to play a very good game. We went out and played a great game and end up beating them,” ani Cone.

Nakipagdikdikan din ang Gilas Pilipinas sa Georgia bago yumuko sa iskor na 96-94.

Tangan ang 1-1 marka, nakapasok ang Gilas Pilipinas sa crossover semis kung saan natalo ito sa Brazil, 71-60.

Sa kabila ng kabiguan, nakataas ang noo ng Gilas Pilipinas na umuwi ng bansa.

Kumbinsido si Cone na patunay lamang ito na kayang makipagsabayan ng Gilas Pilipinas laban sa matitikas na koponan sa mundo.

“We were surprised ourselves. That was the feeling all the way throughout tournament. We just have to put out a good performance every night. But it’s just tough to do in that format and play at your highest level every night,” ani Cone.

Malaking kawalan din para sa Gilas si Kai Sotto na nagtamo ng injury sa laban nito kontra sa Georgia.

Show comments