^

PSN Palaro

Davao City, Cebu-USJR at Pampanga sa PSL Global Championships

Pilipino Star Ngayon
Davao City, Cebu-USJR at Pampanga sa PSL Global Championships
Davao City, Cebu-USJR at Pampanga sa PSL Global Championships
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kakatawanin ng mga ko­ponan mula Luzon, Vi­sa­yas at Mindanao ang Pilipinas sa darating na PSL Global Championship Challenge.

Kinumpleto ito ng Da­vao City at Cebu-USJR ma­tapos talunin ang kani-kanilang mga karibal sa katatapos lamang na PSL National Finals na ginanap sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.

Dinaig ng Cebu-USJR ang Pangasinan, 83-71, ma­tapos bumomba ng 30 points sa fourth quarter.

Tulu­yan nilang inangkin ang titulo sa Born 2006 division.

Samantala, pinabagsak naman ng Davao City ang Davao Occidental, 80-64, para maghari sa Born 2004 division.

Nagningning para sa panalo ng Davao City si John Eimrod Rodulfa na nagtala ng muntik nang tri­ple-double na 30 points, 12 assists at 9 rebounds.

Dahil dito ay hinirang si Rodulfa bilang Most Valuable Player ng Born 2004 division.

Sasamahan ng Cebu -USJR at Davao City sa PSL Global Championship Challenge ang Pampanga na nauna nang kinopo ang korona sa Born 2008 di­vision sa 85-79 panalo sa Caloocan kamakalawa.

Ang tatlong koponan ang kakatawan sa Pilipinas sa iba’t-ibang kategorya

Ang Global Championship Challenge ang tumatayong flag­ship event ng Pilipinas Super League.

Didribol ang nasabing torneo sa Lunes sa Smart Araneta Co­liseum.

PSL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with