Sad ending

Kinapos.

‘Yan ang sad ending ng Gilas campaign sa huling Paris Olympics Qualifying Tournament sa Latvia.

Matapos magbunyi ang Gilas fans sa pagkapanalo kontra world No. 6 Latvia, dalawang dikit na talo sa Georgia at Brazil ang dumating.

Mas masakit ang talo sa Brazil dahil kontrolado pa natin ang first half.  At dahil olats, dehins tayo nakapasok sa Paris Olympics.

Brazil ang pumasok matapos nito talunin ang Latvia sa final. Sa ibang bansa, pumasok din ang Spain, Greece at Puerto Rico.

Buo na ang lineup sa men’s basketball ng Paris Olympics. Nauna nang pumasok ang Australia, Cana­da, France, Germany, Japan, Serbia, South Sudan and of course, ang United States.

Twelve teams. Wala ang Pinas.

Sayang, dahil muntik na. Natapos na sana ang 52 years na kahihintay para makabalik tayo sa Olympics.

Pero nag-iba ang laro natin sa semfinals kontra Brazil dahil wala si Kai Sotto na nasaktan sa game kontra Georgia. Malaking bagay. Nagkaroon ang 7-foot-3 na butas sa gitna.

Nagtaka lang ako bakit nag-uniform pa si Kai para sa last game kung dehins din naman ipapasok.

Ganyan talaga ang buhay.

Better luck next time -- sa 2028 Los Angeles Olympics.

Show comments