^

PSN Palaro

Gagate top pick ng Zus Coffee

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gagate top pick ng Zus Coffee
Thea Gagate.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kung hindi magbabago ang plano ng Zus Coffee ay si De La Salle University star at Alas Pilipinas member Thea Gagate ang kanilang hihirangin bilang No. 1 overall pick sa kauna-unahang Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft.

Nakatakda ang event ngayong gabi sa Novotel sa Cubao, Quezon City.

Ang 6-foot-2 na si Gagate, isang middle blocker ng Lady Spikers sa UAAP, ang napipintong kunin ng Thunderbelles, dating Strong Group Athletics, ni coach Jerry Yee.

“Thea Gagate is the consensus No. 1,” wika ni Yee na pipiliin din ang first pick ng second round sa PVL drafting. “We’re more focused on pick No. 13.”

Mula sa 50 aplikante ay 47 ang natira matapos ang deliberation at screening.

Sumalang ang mga aspirante sa two-day Draft Combine noong Hunyo 25-26 sa Gameville Ballpark sa Sheridan, Mandaluyong na nilahukan rin ng mga free agents.

Ang Capital1 Solar E­nergy ang kukuha sa No. 2 overall pick kasunod ang Galeries Tower (No. 3), Farm Fresh (No. 4), Nxled (No. 5), Akari (No. 6), Cignal (No. 7), PLDT (No. 8), Chery Tiggo (No. 9), Petro Gazz (No.10), Choco Mucho (No. 11) at reigning All-Filipino Confe­rence champion Creamline (No.12).

Matapos naman ang Zus ay ang Capital1 ang pipili sa No. 14 pick sa second round habang hawak ng Galeries Tower at Farm Fresh ang No. 15 at 16 selections, ayon sa pagkakasunod.

Bukod kay Gagate, inaasahan ding pag-aagawan sina setter Julia Coronel, outside hitter Maicah Larroza at middle blocker Leila Cruz, opposite spiker Pierre Abellana at outside hitters Lucille Almonte at Ishie Lalongisip at veteran Iris Tolenada.

Si Coronel ay kasama ni Gagate sa La Salle at sa Alas Pilipinas na natalo sa Vietnam sa knockout quarterfinals ng 2024 FIVB Women’s Challenger Cup.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with