Kings nahugot si DeRozan sa Bulls
SACRAMENTO - Tuluyan nang napasakamay ng Kings si NBA all-star forward DeMar DeRozan sa pamamagitan ng isang three-year, $74 million sign-and-trade deal.
Sa kasunduan ng tatlong koponan ay ibibigay ng Sacramento si forward Harrison Barnes at isang unprotected 2031 pick sa San Antonio Spurs at dadalhin si guard Chris Duarte kasama ang dalawang second-round draft picks at cash sa Chicago Bulls.
Isasama ng Kings si DeRozan kina All-Star guard De’Aaron Fox at All-Star center Domantas Sabonis sa kanilang kampanya sa Western Conference.
Ang 34-anyos na six-time All-Star guard ay nagposte ng mga averages na 24 points, 4.3 rebounds at 5.3 assists para sa Bulls sa nakaraang season.
Sa Philadelphia, pipirma si free agent forward Caleb Martin sa isang four-year, $32 million contract sa 76ers.
Sa Charlotte, pumayag si free agent forward Miles Bridges sa three-year, $75 million deal para manatili sa Hornets.
Sa Detroit, lalagda si free agent guard Malik Beasley sa one-year, $6 million deal sa Pistons at si Simone Fontecchio sa two-year, $16 million contract.
Sa Denver, pumayag si free agent forward Dario Saric sa two-year, $10.6 million deal sa Nuggets.
- Latest