^

PSN Palaro

Sotto negatibo ang test results

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto negatibo ang test results
Kai Sotto
STAR/File

MANILA, Philippines — Walang dapat ipangamba sa kalagayan ni Kai Sotto na walang tinamong major injury sa laban ng Gilas Pilipinas at Georgia sa FIBA Olympic Qual­i­fying Tournament sa Riga, Latvia.

Hindi na nakabalik pa sa aksiyon si Sotto nang madaganan ito ni Georgia slotman Goga Bitadze may 6:42 minuto sa second quarter ng laban.

Kaagad na itinakbo si Sotto sa ospital upang masuri ang kalagayan nito.

Matapos ang ilang pagsusuri at x-ray ay masaya namang ibinalita ng ilang sources na walang tinamong major injury si Sotto sa kaniyang rib gayundin sa mga major organs nito.

Kaya naman malaki ang posibilidad na makapaglaro ito sa krusyal na laban ng Gilas Pilipinas at Brazil sa crossover semifinals na lalaruin sa Hulyo 6 alas-8:30 ng gabi (Hulyo 7 alas-1:30 ng madaling araw sa Maynila).

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with