Doncic vs Antetokounmpo sa OQT

GREECE — Kumolekta si Dallas Mavericks star Luka Doncic ng triple-double na 36 points, 11 rebounds at 10 assists sa paggiya sa Slovenia sa 104-78 pagpapatalsik sa New Zealand patungo sa semifinals ng FIBA Olympic qualifying tournament dito sa Piraeus.

Sasagupain ng Slovenia sa semifinals ang Greece na nagbabandera kay NBA All-Star forward Giannis Anteto­kounmpo ng Milwaukee Bucks.

Ang magwawagi ang papasok sa finals kung saan pag-aagawan ang tiket para sa 2024 Paris Olympics.

Nag-ambag si Josh Nebo ng 20 points at 10 rebounds para sa panalo ng Slovenia.

Kumamada naman si Shea Ili ng 28 markers para pamu­nuan ang New Zealand.

Sa kabila ng hindi paglalaro ni Antetokounmpo ay pi­natumba pa rin ng Greece ang Egpyt, 93-71.

Bumanat sina Konstantinos Mitoglou at Georgios Papagiannis ng tig-16 points para sa Greece.

Show comments