Bagong ‘Splash Brother’ ni Curry

SAN FRANCISCO — Magkakaroon na ng ba­gong katambal si Stephen Curry sa Golden State Warriors.

Ito ay matapos kunin ng Warriors si free agent shooting guard Buddy Hield sa isang sign-and-trade deal sa Philadelphia 76ers.

Pipirma si Hield sa isang two-year, $21 million contract sa Golden State, bi­ni­tawan si Klay Thompson na kapartner ni Curry bilang ‘Splash Brothers’.

Para makuha si Hield, isa ring matinik na three-point shooter, ay ibibigay ng Warriors sa 76ers ang kanilang 2031 second-round pick na nakuha nito sa Dallas Mavericks sa sign-and-trade kay Thompson.

Nagtala si Hield ng mga averages na 12.1 points, 3.2 rebounds at 2.8 assists para sa Philadelphia at Indi­ana Pacers sa nakaraang season.

Nauna nang pinapirma ng Golden State sina guard De’Anthony Melton at forward Kyle Anderson.

Ito ay matapos paka­wa­lan ng Warriors sina Thompson at Chris Paul na lumipat sa Dallas at San Antonio, ayon sa pagkakasunod.

Show comments