LOS ANGELES — Pumayag si four-time NBA champion LeBron James na pirmahan ang isang two-year, $104 million maximum contract para manatili sa Lakers.
Kasama sa kontrata ang isang player option at no-trade clause.
Gagawa ng kasaysayan ang 39-anyos na si James at ang 19-anyos niyang anak na si Bronny James sa magiging kauna-unahang father-and-son duo na maglalaro sa NBA.
Pinili ng Lakers ang 6-foot-4 na si Bronny James, lalagda sa isang four-year, $7.9 million deal, bilang No. 55 overall pick sa nakaraang NBA Draft.
Sa Minneapolis, lalagda si free agent forward Joe Ingles sa isang one-year deal para maglaro sa Minnesota Timberwolves.
Sa Miami, pumayag si free agent guard/forward Alec Burks sa isang one-year deal sa Heat.
Sa Phoenix, babalik si free agent guard Damion Lee sa Suns sa isang one-year contract.