George sasamahan si Embiid sa 76ers

Paul George

PHILADELPHIA — Inihayag kahapon ng 76ers ang pagpayag ni free agent forward Paul George sa alok nilang four-year, $212 million contract matapos umalis sa Los Angeles Clippers.

Makakasama ni George sa Philadelphia sina All-Star teammates Joel Embiid at Tyrese Maxey.

Mayroon pang natitirang $48.8 million option ang 34-anyos na si George para sa darating na season, ngunit hindi niya ito ginamit para sumalang sa free agency market.

Sa San Antonio, lumipat si dating Golden State Warriors guard Chris Paul sa Spurs para sa one-year, $11 milyon deal at makasama si star center Victor Wembanyama.

Sa Los Angeles, pumayag si James Harden na manatili sa Clippers mula sa isang two-year, $70-million contract.

Makakasama ni Harden sa Clippers ang dating Dallas Mavericks guard na si Derrick Jones Jr. na pipirma ng three-year, $30 million deal.

Show comments