Tolentino, Hoffman puwede pa sa Paris Games
MANILA, Philippines — Ihahayag ng World Athletics sa Hulyo 7 ang lahat ng qualifiers para sa 2024 Paris Olympic Games.
At umaasa ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na makakasama sa listahan sina hurdlers John Cabang Tolentino, Lauren Hoffman at Eric Cray at sprinter Kristina Knott.
Sinabi kahapon ni PATAFA secretary-general Jasper Tanhueco na tiyak nang makakapasok sina Tolentino at Hoffman.
“John Cabang Tolentino, sure na iyan,” wika ni Tanhueco. “Lauren Hoffman, points wise, no one can overtake her. Four athletes need to qualify to push Lauren out. But very unlikely, so she’s safe.”
Kasalukuyang No. 29 ang Spain-based na si Tolentino sa top 40 ng men’s 110-meter hurdles habang No. 36 si Hoffman sa women’s 400m hurdles.
Wala si Knott sa top 32 ng women’s 200m, ngunit maaari pang mapasama kung magkakaroon ng mga withdrawals dahil sa injuries.
Maliit naman ang tsansa ng 35-anyos na si Cray, dating Asian champion at eight-time Southeast Asian Games gold medalist, na mapasama sa listahan sa men’s 400m hurdles.
- Latest