FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B

uwang-tuwang nag-pose ang Gilas Pilipinas Women U18 matapos pumasok sa Finals ng FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B.
SBP

Gilas Women U18 swak sa Finals

MANILA, Philippines —  Patuloy ang pananalasa ng Gilas Pilipinas Women U18 sa 2024 FIBA U18 Women’s Asia Cup Division B tournament sa Shenzhen, China.

Ito ay matapos talunin ng mga Pinay cagers ang Samoa, 71-47, papasok sa championship round ng torneo at ang posibleng promosyon sa Division A.

Lalabanan ng koponan ang sinuman sa Iran o Lebanon sa final round.

Kumamada si Ava Fajardo ng 19 points at may 12 markers si Naomi Panganiban para sa panalo ng Gilas Women U18 squad na nauna nang pinabagsak ang Maldives at Lebanon bago ang groups stage sweep mula sa forfeiture ng Syria.

Humakot sina tournament standouts Naomi Panganiban, Alicia Villanueva at Sophia Canido ng pinagsamang 34 markers at 19 rebounds para sa tropa ni national coach Julie Amos.

Kinuha ng mga Pinay dribblers ang 21-5 abante sa first period bago nakabangon ang mga Samoans sa pamamagitan ng 16-4 atake para makalapit sa 21-25 sa 3:24 minuto ng second quarter.

Ilang beses dumikit ang Samoa sa third period bago maghulog ang Gilas Women U18 ng isang 10-2 bomba sa pagbubukas ng fourth quarter para ilista ang 59-41 bentahe.

Show comments