^

PSN Palaro

2 pa pasok sa Paralympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumulobo rin ang Team Philippines na masisila­yan sa Paris Paralympic Games na gaganapin ilang linggo matapos ang regular na Paris Olympics.

Dalawa pang Pinoy athletes ang nadagdag sa listahan ng mga sasabak sa Paris Paralympics.

Ito ay mula sa athletics sa ngalan nina wheelchair racer Jerrold Mangliwan at javelin thrower Cendy Asusano na nagkwalipika sa Paris Paralympics.

Beterano na sina M­ang- ­­liwan at Asusano.

Nakasungkit si Mangliwan ng gintong medalya sa Asian Para Games na ginanap sa Hangzhou, China noong nakaraang taon.

Ito ang ikatlong appea­rance ni Mangliwan sa Paralympics.

“Finally it’s official I’m going to Paris!!! It’s my 3rd [Paralympic Games], Thank you God sa lakas at biyaya, para sa inang Bayan,” ani Mangliwan sa kanyang post sa social media.

Sa kabilang banda, sanay na rin si Asusano sa mga international tournaments.

Nakasungkit ito ng ginto sa Asean Para Games sa Cambodia noong nakaraang taon.

Nagtapos naman ito sa ikaapat na puwesto sa Women’s Javelin Throw F54 ng prestihiyosong World Para Athletics Championships sa Kobe, Japan na ginanap noong Mayo.

Sa kasalukuyan, may anim na atleta na ang pasok sa Paris Paralympics.

Makakasama nina Mangliwan at Asusano sina swimmers Ernie Gawilan at Angel Otom, archer Agustina Bantiloc, at taekwondo jin Allain Ganapin.

vuukle comment

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with