MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay nabigo si Asian Games bronze medalist Alex Eala na makapasok sa main draw ng isang Grand Slam event.
Lumasap ang Pinay netter ng 6-7 (3), 5-7 kabiguan kay Lulu Sun ng New Zealand sa final round ng qualifying.
Maganda ang simula ni Eala na sumulong sa 5-2 kalamangan sa unang set.
Subalit unti-unting umarangkada si Sun sa mga sumunod na laro.
Nagtuloy ang magandang laro ni Sun sa second set para tuluyang tuldukan ang pag-asa ni Eala.
Nauna nang tinalo ni Eala si dating World No. 22 at 2021 French Open semifinalist Tamara Zidansek ng Slovenia, 1-6, 7-6, 6-3, sa second round ng qualifying.