MANILA, Philippines — Kapwa umiskor ng mahalagang panalo ang mga Canadians at Frenchmen sa krusyal na bahagi ng Pool 6 Week 3 ng Men’s Volleyball Nations League (VNL).
Pinadapa ng Canada ang Brazil, 26-24, 25-19, 26-24, habang giniba ng France ang talsik nang Iran, 25-21, 25-17, 25-20, kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Pumalo si outside hitter Eric Loeppky ng 21 points mula sa 16 attacks, dalawang blocks at tatlong service aces para sa 7-4 record ng mga Canadians tampok ang tatlong sunod na panalo sa Manila leg.
Nag-ambag sina Stephen Maar at Arthur Szwarc ng tig-11 markers.
Nagposte si Darla Souza ng 12 points mula sa 10 attacks at dalawang service aces sa panig ng mga Brazilians.
Samantala, humataw si opposite spiker Jean Patry ng 16 points mula sa 13 hits, dalawang blocks at isang ace para sa 7-3 marka ng France.
Nakahugot din ang reigning Olympic gold medalist kay Trever Clevenot ng 12 markers, habang may 23 execellent sets si Antoine Brizard.
Napigilan ang dalawang dikit na ratsada ng mga Iranians.