Send-off para sa Paris-bound athletes kasado na

MANILA, Philippines — Pamumunuan ni Pa­ngulong Bongbong Marcos ang send-off para sa mga Pinoy athletes na sasabak sa 2024 Olympic Games na idaraos sa Hulyo sa Paris, France.

Nakatakda ang progra­ma bukas na gaganapin sa Marble Hall ng Ayuntamiento de Manila sa Intramuros, Manila.

Sa kasalukuyan, may 15 Pinoy athletes na ang nakasisiguro ng tiket sa Paris Olympics.

Ito ay sina pole vaulter Ernest John ‘EJ Obiena at flag bearers Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing.

Ibinigay kina Petecio at Paalam ang karapatang maging flag bearers matapos makasungkit ng pilak na medalya sa Tokyo Olympics.

Kasama rin sa delegas­yon sina boxers Eumir Marcial, Aira Villegas, at Hergie Bacyadan, fencer Samantha Catantan, rower Joanie Delgaco, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Emma Mal­abuyo, at Levi Ruivivar, at weightlifters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza.

Ilan pang Pinoy athletes ang naghahabol na makapasok sa Paris Games gaya nina Kristina Knott at Lauren Hoffman ng athle­tics, at golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina.

Makakasama ng mga atleta at ni Marcos sa programa sina Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at members ng POC board, Philippine Sports Commission Board sa pangunguna ni chairman Richard Bachmann at ang mga national sports association officials.

Isang misa ang isasa­gawa muna para basbasan ang mga atletang lalaban sa Paris Games.

Magandang pagkaka­taon ito bago tumulak ang delegasyon sa Metz, France para sa final prepa­rations ng mga atleta.

Show comments