^

PSN Palaro

Unang PBA crown para sa Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Unang PBA crown para sa Meralco
aglambitin sa ring si Meralco rookie Brandon Bates matapos dakdakan ang SMB sa Game 6 ng PBA Finals.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Kinailangan ng Meralco ang mahalagang jumper ni Chris Newsome sa hu­ling 1.3 segundo ng laro para tuluyan nang angkinin ang kauna-unahang PBA championship.

Dinispatsa ng Bolts ang San Miguel Beermen, 80-78, sa Game Six ng Season 48 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Itiniklop ng Meralco ang kanilang best-of-seven title series ng San Miguel sa 4-2 para hablutin ang unang PBA crown sapul nang pumasok sa liga noong 2010 at matapos mabigo sa Barangay Ginebra sa Governor’s Cup Finals noong 2016, 2017, 2019 at 2021.

“We wanna thank all our family members who helped us here in this tough journey,” ani coach Luigi Trillo na hinablot ang ikalawa niyang PBA title matapos tulungan ang Alaska sa paghahari noong 2013 Commissioner’s Cup.

Tumapos si Newsome na may 15 points, ang 13 dito ay iniskor niya sa se­cond half, para pamunuan ang Bolts at may 14, 11 at 10 markers sina Allein Maliksi, Bong Quinto at Chris Banchero, ayon sa pagkakasunod.

Humakot si seven-time PBA MVP at 10-time Best Player of the Conference June Mar Fajardo ng 21 points, 12 rebounds at 5 assists sa panig ng Beermen.

“Nobody believe in us except us,” wika ni Newsome sa kanilang pagi­ging dehado sa serye. Ang 33-anyos na Fil-American guard ang hinirang na Finals MVP.

Nakabangon ang San Miguel mula sa isang 17-point deficit, 29-46, sa second period para makatabla sa 78-78 matapos ang three-point shot ni Fajardo sa huling 3.3 segundo ng fourth quarter.

Ipinasok naman ni Newsome ang game-winning jumper sa nalalabing 1.3  segundo para sa 80-78 bentahe ng Meralco.

Bigo si Fajardo na maikonekta ang kanyang tres sa huling posesyon ng Beermen sa pagtunog ng final buzzer kasunod ang selebrasyon ng Bolts sa gitna ng court.

Mula sa first period ay hindi pinatikim ng Meralco ng kalamangan ang SMB na kanilang ibinaon sa 46-29 sa 3:40 minuto ng se­cond quarter.

Isang mahabang 20-3 atake ang pinamunuan nina Fajardo at CJ Perez para itabla ang Beermen sa 49-49 sa pagsisimula ng third canto.

Muli namang nakawala ang Bolts sa pangunguna nina Newsome, Maliksi at Raymond Almazan para sa 71-58 abante sa kaagahan ng fourth period.

Tuluyan nang nakatabla ang San Miguel sa 78-78 matapos ang triple ni Fajardo sa huling 3.3 segundo ng bakbakan.

Nag-ambag si Perez ng 14 markers para sa Beermen habang may 11 at 10 points sina Marcio Lassiter at Mo Tautuaa, ayon sa pagkakasunod.

MERALCO

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with