MANILA, Philippines — Target ni dating world champion Mark Magsayo na maitarak ang importanteng panalo laban kay Mexican Eduardo Ramirez sa kanilang super featherweight bout ngayong araw sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang ikalawang pagkakataon na hahataw si Magsayo sa super featherweight division.
Nais ng PInoy champion na makuha ang panalo upang makalapit sa inaasam na world title fight laban kay reigning World Boxing Association (WBA) champion Lamont Roach.
Lamang si Magsayo sa rankings dahil nasa ikaanim na puwesto ito sa super featherweight division kumpara kay Ramirez na wala sa Top 10 list.
Subalit hindi dapat magpakampante si Magsayo dahil pakay nitong makuha ang knockout win upang mapaganda ang kanyang 25-2 (17 KOs) rercord.
Galing ang Mexican sa sixth-round knockout win laban kay Sebastian Diaz noong Agosto.