Celtics nakatutok sa NBA crown
DALLAS - Magkakaroon ang Boston Celtics ng isang record-setting 18th championship sakaling tuluyan nilang mawalis ang Mavericks sa NBA Finals.
Nasa isip ng Boston ang 4-0 sweep sa Dallas sa kanilang pagtutuos ngayon sa Game Four ng best-of-seven championship series.
Wala pang koponang nakabangon sa isang serye matapos mahulog sa 0-3 pagkakabaon.
Ngunit hindi dapat magkumpiyansa ang Celtics.
“So, we have to remain with a sense of urgency. We have to have an understanding of our environment. We have to know that we’re just as vulnerable as anybody else in this situation, and how we handle that will determine our fate,” sabi ni coach Joe Mazzulla.
Sa edad na 35-anyos, si Mazzulla ang maaaring maging pinakabatang coach na nagwagi ng NBA title matapos si legend Bill Russell bilang isang player-coach para sa Boston noong 1969.
Ayaw din ni Celtics forward Jayson Tatum na sayangin ang kanilang pagkakataong makopo ang korona.
“I think from our experiences over the past couple of years, the thing that we’ve really gotten a lot better at is not relaxing, not being complacent. From game to game or series to series, we always want more,” ani Tatum.
Sa kanilang huling NBA Finals appearance noong 2022 ay natalo ang Boston sa beteranong Golden State Warriors.
Bagama’t nabaon sa 0-3 ay naniniwala pa rin si Mavericks star guard Luka Doncic na makakabalik sila sa serye.
“We’re not in the offseason yet,” wika ng Slovenian playmaker. “They’ve still got to win one more game. Like I said, we’re going to believe until the end.”
Sinabi ni Dallas coach Jason Kidd na kailangang maging mautak si Doncic sa laro.
“He’s got to be able to guard and understand that we’re there to protect him and help him if he does get beat, to play the game where he can rest on offense and let others carry the load,” wika ni Kidd.
- Latest