^

PSN Palaro

3 PVL stars puwede sa Alas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
3 PVL stars puwede sa Alas Pilipinas
Sumalang na si Jema Galanza sa training ng Alas Pilipinas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bukod kina Creamline stars Jema Galanza at Tots Carlos, nasa wish list din ni national women’s team head coach Jorge Souza de Brito sina Premier Volleyball League (PVL) stars Ivy Lacsina, Maddie Madayag at Mars Alba.

Ang tatlo ang lalo pang magpapalakas sa Alas Pilipinas sa mga lalahukang international tournaments kabilang ang darating na 2024 FIVB Challenger Cup.

Sina Madayag at Alba ay naglalaro sa PVL para sa Choco Mucho habang nasa Akari naman si Lacsina.

“We’re trying to keep the same core because I think it’s important. We also need to add more players. Philippine volleyball is much more than these players,” wika ng Brazilian mentor.

Gumawa ng kasaysayan ang Alas Pilipinas sa kanilang bronze medal finish sa nakaraang 2024 AVC Challenge Cup for Women na inilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Binanderahan nina veteran setter Jia De Guzman, PVL stars Eya Laure, Sisi Rondina at Fifi Sharma at collegiate standouts Angel Canino at Thea Gagate ang tropa.

Kamakailan ay idinagdag sa tropa sina Galanza at Carlos bukod kina reigning UAAP champions Bella Belen at Alyssa Solomon ng National University Lady Bulldogs.

Sasalang ang mga Pinay spikers sa 2024 FIVB Challenger Cup sa Hulyo 4 hanggang 7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

JEMA GALANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with