Pacquiao vs Suzuki

Lalaban na ulit si Manny Pacquiao.

Kung matuloy.

‘Yan ang latest mula sa kampo ni idol. Nag-presscon pa sa Japan para sa July 28 na exhibition fight kay Chihiro Suzuki ng Japan.

Natural, sa Japan ang laban. Three rounds ang fight kontra sa MMA fighter.

Well, sana matuloy dahil ilan beses na din natin naiulat na lalaban si Pacman for the first time mula nung matalo siya kay Yordenis Ugas at mag-retire three years ago.

Sumulpot si Buakaw Banchamek last year na kalaban ni Pacquiao. Dehins natuloy. Then napabalita na si Conor Benn ang next fight. Dehins din natuloy.

Ngayon, si Suzuki naman.

Warm-up daw dahil may big fight, title fight na binabalak ang dating pound-for-pound champion.

Gusto niya labanan si Mario Barrios, ang American WBC welterweight champion. ‘Yan ang dehins ako sigurado.

Safe pa nga kaya lumaban si Pacquiao na turning 46 years old this year sa isang 29-year-old at six-footer na world champion?

Bahala na si Batman.

Show comments