Bong Go: Sports kontra droga

MANILA, Philippines — Pinahalagahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang paglahok ng mga kabataan sa sports para mailayo sa paggamit ng iligal na droga.

Inihalimbawa ni Go, chairman ng Senate Committee on Sports, ang inilunsad na Mikey Belmonte Cup 2024 noong Linggo sa Quezon City.

Nagpasalamat si Go kay District 2 Councilor Mikey Belmonte sa dedikasyon nitong suportahan ang mga lokal na may talento sa sports.

“Bilang chairman ng Senate Committee on Sports, saludo ako kay Councilor Mikey Belmonte sa kanyang pagtutok at pagsuporta sa ating mga

atleta,” wika ng Senador na nakikipagtulungan din sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa mga lokal na pamahalaan.

“Ang pagtitipon na ito ay hindi lamang nagpapakita ng galing at talento sa sports, kundi patunay din ng ating pagtutulungan at pagkakaisa bilang isang bayan,” dagdag nito.

Inilatag ni Go ang kanyang legislative efforts na naglalayong pahusayin ang sports sector, kabilang ang matagumpay na pagtatatag ng National Academy of Sports sa New Clark City sa Tarlac sa ilalim ng Republic Act No. 11470 na kanyang inakda at cosponsored.

Sinabi ni Go na ang akademya ay patunay ng dedikasyon ng gobyerno na isama ang academic at sports excellence na nagbigay sa student-athletes ng mga makabagong pasilidad.

Show comments