Fajardo bumandera sa BPC race
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtatapos ng semifinal round ay inagaw ni June Mar Fajardo ng San Miguel ang trangko para sa karera sa Season 48 PBA Philippine Cup Best Player of the Conference (BPC).
Humakot ang seven-time PBA MVP ng kabuuang 43.12 statistical points mula sa kanyang mga averages na 17.3 points, 14.5 rebounds at 3.1 assists para ungusan si NLEX guard Robert Bolick sa No. 1 spot.
Hangad ng 6-foot-10 na si Fajardo ang kanyang pang-10 BPC trophy.
Laglag si Bolick sa No. 2 sa kanyang 43.08 sps galing sa kanyang 28.3 points, 5.2 rebounds at 6.5 assists para sa Road Warriors na winalis ng Meralco Bolts sa quarterfinals.
Sina Fajardo, Bolick, Terrafirma rookie guard Stephen Holt, CJ Perez ng San Miguel at Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra ang mga official candidates para sa BPC award.
Target ni Standhardinger ang kanyang ikatlong BPC trophy habang ang back-to-back title naman ang puntirya ni Perez na hinirang na BPC sa nakaraang Commissioner’s Cup.
- Latest